The latest modus operandi of a few scumbag bus conductors:
If you paid with a large bill for the bus ticket, the konduktor will tell you he will give the change (sukli) later because he lacks loose change (barya). After several minutes if you remind him about it, he will reply with the line, “Malayo ka pa naman, mamaya na lang, wala kasi akong barya.”
But once you are about to get off and again insisted on your sukli, he’ll deny it and might even curse and embarrass you, prompting you to get off the bus without getting the sukli you deserve.
Read on to see how some passengers became a victim to these “Walang baryang konduktor” scammers.
From a forwarded email:
Last September 6, 2007, 4pm, sumakay ako ng aircon bus from Victory Liner (Cubao) to Robinsons Galleria. Ang pamasahe ay P10. Binigyan ako ng konduktor ng ticket worth P10 at kinuha yung P100 na binayad ko, sabay sabi na “Sandali lang wala akong baryang panukli.”
Pagdating sa may P. Tuazon (near Araneta Center), pinaalala ko yung sukli ko sa konduktor. Tinanong niya ako, “Sa’n ka nga uli bababa?”
Sagot ko, “Sa may Robinsons Galleria lang.”
“Malayo ka pa naman eh, sandali lang.”
So pagdating ng VV Soliven, lumipat ako ng upuan (3 rows behind the driver, at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near Ortigas Ave.), kinuha ko na yung sukli ko. Hindi kumibo ang konduktor, luminga-linga lang, parang deadma ba.
Nang patawid na yung bus ng Ortigas Ave., tumayo ako at nilapitan ko yung konduktor na nakaupo sa tabi nung driver. Hiningi ko uli ung sukli ko.
Ang sabi nya sa ‘kin, “Patingin nga ng ticket mo?” sabay abot ko ng tiket ko sa konduktor.
“Eh wala naman akong sinulat sa likod ng tiket mo, tapos hihingi ka ng sukli! Tarantado ka pala eh!”
Medyo nag-init ang ulo ko sa sinabi niya, kaya sumagot ako, “Tarantado ka rin! Kanina ko pa sinasabi na yung sukli ko sa P100 na ibinigay ko!
Dun kami nagkasagutan at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na, “P’re wala ka namang inaabot na ‘sang daang piso e tapos hihingi ka ng sukli.
Tumayo ako malapit sa pinto malapit sa driver at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya. Ang sabi nung driver, “Aba pare, hindi ko alam ‘yan. Baka naman wala ka talagang binibigay na P100 dun sa konduktor ko.”
Sa pagkakataong ito, tatlo na ang nakikipagtalo sa akin — yung konduktor, yung driver at yung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver. Sabi ko sa sarili ko, agrabyado ako pag nakagulo kaya sinabihan ko yung driver na baba na ako. Sabi ko, “Buksan mo yung pinto, bababa na ako. Hindi ako makikipag-basagan ng mukha sa inyo sa halagang P90. Sa inyo na lang sukli ko!”
Pero hindi nya binuksan yung pinto hanggang sa umarangkada na uli ung bus. Sa may tapat ako ng Dolmar Bldg. (fronting Poveda near Ortigas MRT Station) ako ibinaba, kung saan walang mga traffic aide na mapagsusumbungan ng kalokohan nila.
After one month, nakalimutan ko na yung nangyari. Pero last October 30, 2007 (Tuesday), around 6:15pm, pauwi na ako galing Ortigas, may isang babae na kasakay ko sa bus na nagrereklamo sa konduktor at driver na hindi rin daw binibigay yung sukli.
Siya daw ay galing sa may Timog at bababa sa may Boni. Naalala ko ung nagyari sa ‘kin, nang biglang may lalaki na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung babae, “Miss, miss. Singkwenta pesos yung binigay mo sa konduktor, kitang-kita ko!”
Sa galit nung babae, akmang bababa na sa may tapat ng “Jollibee Boni” nang biglang isinara nung driver yung pinto at tsaka pinatakbo nang matulin yung bus hanggang sa makarating sa may tapat ng “Pugon” (bilihan ng tinapay malapit na sa tulay).
Dun ko napagtanto ung nangyari sa ‘kin. Parehong- pareho nang ginawa dun sa babae. Bago ako bumaba, tiningnan ko yung driver, yung konduktor at yung lalaki na kumatig dun sa konduktor. Magkakakilala sila at nagtatawanan pa.
Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari. Pagkababa ko at pagsakay ko ng jeep papuntang DELPAN, may mama na bumati sa akin.
Sabi nya, “Pare ‘kala ko kanina tutulungan mo yung babae, yung hindi sinuklian. Kasi nakita ko yung mga kakutsaba nung driver at konduktor. Yung isa hindi nagsalita pero lumapit sa may likod mo kaya lumipat din ako. Kasi 2 years ago, may na-experience din akong ganyan sa may Balintawak, sinaksak yung pasahero. Kawawa naman. Ganyan ang mga modus operandi nila sa bus.”
Beware of these scammers. Use barya when paying, but if ever you become a victim, report the bus name, bus plate number, and time and place of the incident to the authorities. Don’t let these scumbags get away with their modus operandi.